Abot-tanaw
Ang abot-tanaw, abot ng tanaw, guhit-tagpuan, kagiliran, abot-tingin, abot ng tingin o linyang panglangit at lupa (Kastila, Portuges: Horizonte, Aleman: Horizont, Ingles, Pranses: Horizon) ay isang linya na naghihiwalay sa mundo mula sa langit, ang linya na naghahati sa lahat ng nakikitang direksiyon sa dalawang kategorya: iyong mga linyang sumasalubong sa kalupaan ng Mundo at iyong mga hindi. Sa karamihang lugar o lokasyon, nahaharangan ang totoong guhit-tagpuan ng mga puno, gusali, bundok, at iba pa, na nagreresulta sa pagsasalubong ng Mundo at Langit na kadalasang tinatawag na nakikitang guhit-tagpuan. Kapag tumitingin sa dagat mula sa isang pampang, ang bahagi ng dagat na malapit sa abot-tanaw ay tinatawag na offing sa Ingles, na may kahulugang "napipinto", "kalautan", o "namiminto". Nagmula ang salitang horizon ng wikang Ingles at wikang Pranses mula sa Griyego na "ὁρίζων κύκλος" (horizōn kyklos), "napaghihiwalay na bilog", mula s...